200 teachers di pinapasok sa GSIS

Pinagsarhan umano ng gate kahapon ni Government Service Insurance System President at General Manager Winston Garcia ang mahigit sa 200 guro na nagnanais na maghain ng reklamo sa board of trustees.

Kasama ni Atty. Albert Velasco ng Government Employees Legal Action Center (GELAC) na tu­ma­ta­yong abogado ng mga guro ang hindi pinapasok sa gusali ng GSIS at sa halip ay ipinag-utos pa umano sa mga gwardiya na isarado ang gate ng gusali.

Dahil sa hindi pagpa­pasok sa gusali ng GSIS sa mga guro kaya dumi­retso ang mga ito kay Se­nador Allan Peter Caye­tano upang maghain ng resolution no. 03 s.2008.

Layunin umano ng nasabing resolution na maimbestigahan ang uma­no’y katiwalian sa multi-bil­yon pondo ng mga kawani ng gobyerno .

Nangako naman si Ca­yetano na bibigyan ng prio­ridad na agad na makuha ang lahat ng mga miyem­bro ang nararapat nilang be­nepisyo. (Butch Quejada)

Show comments