Halos tatlong buwan pa bago mag-Pasko ay inalarma at pinag-iingat na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko laban sa mumu rahing mga Christmas lights.
Ayon sa DTI, hindi porke’t mura ay kakagatin na dahil kalimitan ang mga sobrang mura katulad ng mga nabibiling P100 lamang para sa tatlong set ng Christmas lights ay posibleng magdulot ng panganib sa buhay.
Kalimitan umano sa mga mumurahing Christmas lights ay substandard o hindi pumasa sa quality standard na ipinapatupad ng ahensiya.
Maliliit at hindi umano akma ang mga electrical wirings at bulbs ng mga ito na posibleng pumutok at lumikha ng sunog. (Rose Tamayo-Tesoro)