Senador na 'nagsingit' ng P200M walang criminal liability - Palasyo

Walang magiging cri­minal liability ang senador na gumawa ng double insertion sa 2008 national budget, ayon kay Budget Secretary Rolando Andaya Jr.

Sinabi ni Andaya na ang tanging puwedeng ipataw na kaparusahan sa sinu­ mang gumawa ng double insertion sa 2008 national budget ay ireklamo sa Senate Ethics Committee.

Aniya, walang nakapa­loob sa Revised Penal Code na krimen para sa double insertion ng item sa national budget.

Magugunita na ibinun­yag ni Sen. Panfilo Lacson sa kanyang privilege speech kamakalawa sa Senado ang P200 milyon double entry para sa C-5 road extension project na pinatutungkulan nito ay si Senate President Manuel Villar Jr.

Inamin naman ni Sen. Juan Ponce Enrile, chairman ng senate committee on finance, na si Sen. Villar ang nag-insert ng P200 milyon sa period of amendments ng 2008 national budget subalit iginiit na walang illegal dito. (Rudy Andal)

Show comments