Political will kailangan para sa full automation ng 2010 polls

Hinikayat ni Senator Richard Gordon ang Commission on Elections (COMELEC) na gamitin nito ang political will at pagiging decisive sa pagpapalabas ng nararapat na budget para sa full automation ng 2010 elections.

Sinabi ni Gordon ang kanyang concern matapos maglabasan sa ulat ng media ang kwestiyonableng budget na umano’y ilalaan ng Comelec sa awtomasyon na mismong mula umano sa mga Comelec officials.

Sa hearing ng Joint Oversight Committee on Automated Elections nitong September 9, nag-present ang Comelec ng tatlong uri ng teknolohiyang gagamitin, kasama ang kanilang proposed budgetary requirements.

Binanggit naman ng Smartmatic-Sahi Technology sa hearing ang kanilang sariling cost estimate sa automation ng may 75% ng mga polling precinct sa buong bansa, sinasabing 30% higit na mas mababa sa P56 billion budget na isinumite ng Comelec.

Show comments