Panadero, flour millers maghaharap ngayon
Paghaharapin ngayon ng Malacanang ang grupo ng mga bakers at flour millers kaugnay sa nakaambang pag taas sa presyo ng pandesal sa bansa.
Sinabi ni Trade Secretary Peter Favila, tiwala silang magkakaroon ng magandang resulta ang magiging pag-uusap ng mga kinatawan ng mga bakers at flour millers.
Wika pa ni Sec. Favila, dapat ay magharap kaagad ang mga ito upang maiwasan ang panibagong pagtataas sa presyo ng tinapay at pandesal dahil ang pangka raniwang mamamayan ang maaapektuhan.
Samantala, tiniyak naman ng Philippine Baking Industry na mayroon silang sapat na batayan para ibalik ng mga flour millers sa presyong P930 kada sako ang arina dahil bumagsak na ang presyo nito sa world market. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending