^

Bansa

GMA rice program pinaiimbestigahan

-

Iniutos kahapon ni Pangulong Arroyo na im­bestigahan ang napaulat na iregularidad sa P218.7 milyong Ginintuang Masaganang Ani (GMA) rice program.

Sinabi ni Press Secretary Jesus Dureza, nais malaman ng Pangulo ang report ng Commission on Audit (COA) na pineke umano ang 52 lagda ng mga farmer-beneficiaries sa P218.7 milyong rice program.

Wika pa ni Sec. Dureza, dapat ay isumite ng COA ang kanilang report sa Ombudsman upang maparusahan ang mapapatunayang sangkot sa anomalya.

Hugas-kamay naman si Agriculture Secretary Arthur Yap at itinuro ang mga lokal na pamahalaan na silang dapat magpaliwanag.

Ayon kay Yap, bagama’t ang Department of Agriculture ang namahala sa nasabing GMA rice program ay hanggang sa regional level lamang ang naging partisipasyon ng DA.

Sa ilalim ng programa ay makakatanggap ang mga magsasaka ng mas murang buto at pataba mula sa DA. (Rudy Andal)

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

AYON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DUREZA

GININTUANG MASAGANANG ANI

HUGAS

INIUTOS

PANGULONG ARROYO

PRESS SECRETARY JESUS DUREZA

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with