Isa pang LRT station sa Caloocan hirit
Isinulong kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri kasama ang mga opisyal ng barangay, negosyante at residente ang petisyon para hilingin sa pamahalaan na magtayo ng isa pang LRT train station sa Bagong Barrio para sa kapakinabangan ng may 500,000 pasahero na araw-araw sumasakay sa naturang lugar.
Sinabi ni Echiverri na ang mga pasahero mula sa Bagong Barrio area na sumasakay ng LRT at MRT ay nangangailangan pang sumakay ng ibang road-based public transport, kagaya ng jeepney at bus, para lamang marating ang pinakamalapit nilang istasyon.
Bukod dito, sinabi ni Echiverri na base sa pag-aaral ng City Planning and Development Department, ang Monumento station, na pinakamalapit sa CAMANAVA (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) area, ay magiging “heavily overcrowded” dahil sa pagdagsa ng mga karagdagang pasahero.
Kaugnay nito, nakatakdang simulan ngayong buwan ang konstruksyon ng naturang proyekto. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending