^

Bansa

10T bata namamatay kada taon sa diarrhea

-

Umaabot sa 10,000 bata na may edad 5 taon pa­baba ang namamatay sa sakit na diarrhea kada taon sa bansa.

Iniulat ng World Health Organization (WHO), batay sa naging pag-aaral ng Department of Health (DOH) at United Nations Children Emergency Fund (UNICEF), lumalabas din na pang-4 ang diarrhea sa nakamamatay na sakit sa mga kabataan habang nasa ika-13 ang Pilipinas sa may pinakamaraming naitalang kaso ng diarrhea.

Ayon kay Dr. Maria Ricardo, isang health expert, ang bilang na ito ay halos doble ng naitala sa iba pang Asian countries.

Naniniwala ang mga health expert na sa simpleng paghuhugas lamang ng kamay ay maibaba nito sa 40 porsyento ang kaso ng diarrhea sa bansa.

Dapat aniyang matuto ang mga bata na maghugas ng kanilang kamay gamit ang sabon, na sinasabing kakulangan ng mga batang Pinoy dahil na rin sa kawalan ng sanitation facilities.

Inilabas ang nasabing pag-aaral upang hikayatin at ipaalam sa publiko ang kahalagahan ng paghu­hugas ng kamay at bilang paggunita sa “1st Global Handwashing Day” sa Oktubre. (Ludy Bermudo)

AYON

DAPAT

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. MARIA RICARDO

GLOBAL HANDWASHING DAY

INILABAS

INIULAT

LUDY BERMUDO

UNITED NATIONS CHILDREN EMERGENCY FUND

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with