Dahil sa pagkabilib ng mga dayuhan sa galing at magandang kalidad ng mga Pinoy skilled workers, nakatakdang tumulak sa Pilipinas ang isangoperator ng malaking dental clinic sa Kingdom of Saudi Arabia upang kumuhang mga den tista para magtrabaho doon.
Kinumpirma ni Dr. Robert Parks, director ng General Arabian Medical and Allied Services, Ltd. ang pagdating nito sa bansa sa Setyembre 18 upang personal na mangasiwa sa pagpili ng mga dentistang aplikante na nagnanais na magtrabaho sa pinapatakbo nitong GAMA Dental Clinic sa Riyadh. Ang GDC, kauna-unahan at pinakamalaking American-operated private dental clinic sa Saudi ay nagbukas noong Nobyembre 1985.
Sinabi ni Paulo Quiza, general manager ng JVR Placement Co., Inc., pangangasiwaan ng kanilang kumpanya ang pagpoproseso ng mga aplikante ng GDC. Ang JVR Placement Co. Inc.ay may 9 taong nang nagpapadala ng mga skilled Filipino workers sa Middle East, Europe, Russia at Asia.
Ilan sa mga benepisyong makukuha ng kuwalipikadong aplikante ay ang 2-taong renewal ng kontrata, taunang bakasyon, round trip ticket, accomodations, medical benefits at Iqama/visa.
Maaaring tawagan ang JVR sa 794-2231 o 0929-8305252 o mag-email sa jvrgama@gmail.com.