Bravo nagdadamit-babae

Master of disguise!

Ito ang ibinulgar kaha­pon ni Task Force Tabak Chief Brig. Gen. Hilario Atendido sa gitna na rin ng intelligence report na nagda-damit babae na umano ang wanted na si Moro Islamic Liberation Front (MILF) renegade Abdulrahman Macapaar alyas Kumander Bravo.

Ayon kay Atendido, nakatanggap sila ng intelligence report na nagsu­suot ng “abaya” o damit babae si Bravo at nagpa­paikut-ikot lamang sa pagtatago sa Lanao del Norte at Lanao del Sur upang makaiwas sa tu­mutugis na tropa ng mili­tar.

Sinabi ni Atendito na dahilan sa pagsusuot ng “abaya” ay malaya uma­nong nakakababa sa ka­ patagan at nakapagli­libot ang wanted na si Bravo.

Napag-alamang batay sa doktrina ng Islam, ma­higpit na ipinagbabawal ang pagsasailalim sa inspeksiyon o paninita sa isang babaeng nakasuot ng abaya na kung saan, halos buong bahagi ng katawan nito maliban sa mata at mga daliri ang nakatakip ng tela.

Samantalang karami­han rin sa nagsusuot ng abaya ay itim ang pinip­i­ling isuot para hindi ma­katawag ng pansin na kung isang batang Kristi­yano ang titingin ay tata­wagin itong ‘mumo” o multo.

Dahil dito, ayon kay Aten­dito, isang special troop ang kanilang itina­laga para tumutok sa na­banggit na istilo ni Bravo.

Si Bravo, kumander ng 102nd Base Command ng MILF at may patong sa ulong P10M ang nasa likod ng madu­gong pag-atake, pag-masaker at pang-hostage sa mga sibilyan, at panu­nog ng mga kabahayan ng mga Kristiyano sa Lanao del Norte noong Agosto 18.

Kasama niyang wan­ted ang mga MILF commander na sina Ameril Umbra Kato na may pa­buya ring P10M at Aleem Sulayman Pangalian, may patong naman na P5M.

Show comments