^

Bansa

Warrant vs 2 solons binawi ng Sandigan

- Nina Angie Dela Cruz At Butch Quejada -

Tinanggal ng Sandi­ganbayan ang naipalabas na bench warrant laban kina Oriental Mindoro Representatives Rodolfo Valencia at Alfonso Umali matapos ang mga itong personal na magpaliwa­nag kung bakit sila ay na­bigong dumalo sa naitak­dang hearing sa graft court kaugnay ng kani­lang kasong katiwalian na nakasampa dito.

Sina Valencia at Umali ay nagpunta kahapon sa sala ni anti-graft court’s Fourth Division Justice Gregory Ong upang mag­sampa ng kanilang mos­yon para maalis ang warrant laban sa kanila.

Si Umali ay naka-wheel­chair pa nang magpunta sa Sandiganbayan makaraang dalhin sa Heart Center nitong nakaraang Huwebes at naibalik agad sa paga­ mutan makaraang magpa­kita sa graft court.

Sa kanyang panig, pinaliwanag naman ni Valencia na siya ay hindi nakapunta sa Sandigan­bayan dahil sa siya ay may sakit samantalang si Umali ay nasa labas ng bansa nang maipalabas ang desisyon ng graft court laban sa kanya noong Setyembre 9.

Bago tanggalin ang warrant inutos muna ng graft court na magbayad ang mga ito ng tig-P60,000 halaga para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Una rito, nagpalabas ng bench warrant ang Sandiganbayan laban sa dalawa at kina dating Oriental Mindoro vice governor Pedrito Reyes at da­ ting provincial board mem­ber Jose Enriquez na pawang hindi naka­punta sa naitakdang hearing ng graft court kaugnay ng umano’y paglustay ng mga ito sa P2.5 milyon na sinasa­bing ginamit sa “repair, operation, at maintenance ng transport vehicle na MV Ace at hindi nagamit ang pera sa pampublikong serbisyo.

ALFONSO UMALI

FOURTH DIVISION JUSTICE GREGORY ONG

HEART CENTER

JOSE ENRIQUEZ

ORIENTAL MINDORO

ORIENTAL MINDORO REPRESENTATIVES RODOLFO VALENCIA

PEDRITO REYES

SANDIGANBAYAN

SHY

SI UMALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with