^

Bansa

BI may 2 bagong satellite offices

-

Bilang pagsunod sa decentralization program ng pamahalaan, binuksan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang bagong satellite offices sa labas ng Metro Manila upang ilapit ang serbisyong ibinibigay ng ahensiya sa mga dayu­hang nakatira sa mga kala­pit na lalawigan.

Mismong si BI Commissioner Marcelino Liba­nan ang nanguna sa pag­bu­bukas ng dalawang satellite offices sa Taytay, Rizal at Sta. Rosa, Laguna, na puwede ring ibi­gay ang tulong at serbis­yong ibini­bigay sa main office ng BI sa Intramuros, Manila.

Pinasinayaan din ni Libanan ang bagong field office ng BI sa SM Mall of Asia sa Parañaque City, na lalong naglapit sa ahensiya sa mga dayuhang nakatira sa Southern Tagalog provinces tulad ng Cavite, Batangas at Laguna.

Sa tulong ng mga bagong tanggapan, sinabi ni Libanan na mababa­wasan nang husto ang dami ng transaksiyon sa BI main office sa Intramuros na makabubuti rin sa mga empleyado ng ahensiya at nakikipagtransaksiyon sa nasabing tanggapan. 

Pinasalamatan naman ni Libanan si Taytay Mayor Ricardo Gagula sa pag­payag nito na gamitin ang isang lugar sa Taytay Municipal Building, na nag­sisilbi rin bilang tang­gapan ng ilang ahensiya ng Rizal Province.

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBA

INTRAMUROS

LIBANAN

MALL OF ASIA

METRO MANILA

RIZAL PROVINCE

SHY

SOUTHERN TAGALOG

TAYTAY MAYOR RICARDO GAGULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with