Iniutos ni Pangulong Arroyo sa Department of Education (DepEd) na gumawa ng hakbang upang mawakasan ang child labor at maibalik sila sa mga paaralan.
“The role of children is to study, learn and play, not to earn a living at their tender age. I am therefore please that DepEd is working with other government agencies and non-governmental organizations whether local and foreign, to bring back these children to school,” wika pa ng Pangulo.
Dahil dito, lumagda sa isang kasunduan ang DepEd sa World Vision Development Foundation upang maibalik sa paaralan ang tinatayang 800,000 child laborers sa bansa.
Ayon kay DepEd Secretary Jesli Lapus, sa pamamagitan ng ABK2 Initiative o Pag-aaral ng mga Bata sa Kinabukasan at WVDF ay magkatuwang nilang lalabanan ang child labor sa bansa upang muling mag-aral ang mga batang ito.
Ang ABK2 ay isang 4-year project na pinondohan ng US Department of Labor na ang layunin ay makatulong na mabawasan ang exploitation sa child labor sa Pilipinas.
Sinasabing talamak ang child labor sa sugar cane plantation, domestic work, pyrotechnics business, mining, quarrying, sex trade at pamumulot ng basura. (Rudy Andal)