Hinikayat kahapon ni Sen. Richard Gordon, may akda ng Automation Law, ang gobyerno na magpalabas na at mag laan ng sapat na pondo para sa 2010 automated elections dahil makatutulong ito sa pagpapatibay ng demokrasya sa pamamagitan ng electoral reforms.
Sa hearing ng Joint Oversight Committee on Automated Elections ay inilahad ng Commission on Elections ang tatlong uri ng pagpipiliang teknolohiyang gagamitin sa automation at isa sa mga ito ay ang kombinasyon ng Direct Recording Electronic (DRE) at Optical Mark Reader (OMR) technologies.
Iginiit din ni Gordon na kinakailangang bigyan ng Comelec ang Kongreso ng accurate figure dahil ito ang kanilang magiging basehan para sa appropriations sa 2009 na pre-requisite para sa bidding ng poll automation project para sa 2010.
“Our initial calculations indicate that automating 75%-80% of all precincts in the country will be much less than the P56 billion earlier presented by Comelec,” ayon naman kay Vince Dizon ng Smartmatic-Sahi Technology Inc. (Malou Escudero)