^

Bansa

Pondo sa 2010 poll automation pinamamadali

-

Hinikayat kahapon ni Sen. Richard Gordon, may akda ng Automation Law, ang gobyerno na magpa­labas na at mag­ laan ng sapat na pondo para sa 2010 automated elections dahil makatu­tulong ito sa pagpapatibay ng demok­rasya sa pama­magitan ng electoral reforms.

Sa hearing ng Joint Oversight Committee on Automated Elections ay inilahad ng Commission on Elections ang tatlong uri ng pagpipiliang tek­nolohiyang gagamitin sa automation at isa sa mga ito ay ang kom­binasyon ng Direct Recording Electronic (DRE) at Optical Mark Reader (OMR) technologies. 

Iginiit din ni Gordon na kinakailangang bigyan ng Comelec ang Kongreso ng accurate figure dahil ito ang kanilang magiging basehan para sa appropriations sa 2009 na pre-requisite para sa bidding ng poll automation project para sa 2010.   

“Our initial calculations indicate that automating 75%-80% of all precincts in the country will be much less than the P56 billion earlier presented by Co­melec,” ayon naman kay Vince Dizon ng Smart­matic-Sahi Technology Inc.  (Malou Escudero)

AUTOMATED ELECTIONS

AUTOMATION LAW

COMELEC

DIRECT RECORDING ELECTRONIC

JOINT OVERSIGHT COMMITTEE

MALOU ESCUDERO

OPTICAL MARK READER

RICHARD GORDON

SAHI TECHNOLOGY INC

SHY

VINCE DIZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with