^

Bansa

Demolition job vs Villar umpisa na - Solons

-

Dahil sa maagang dek­larasyon ni Senate President Manny Villar na tu­makbo bilang pangulo ng bansa sa 2010 national elections, marami sa mga kongresista ang nanini­wala na umpisa pa la­ mang ang ginaga­wang pagbanat sa kata­uhan ng una kaugnay sa kontro­bersyal na isyu tung­kol sa pagdo-doble ng pondo para sa C-5 road extension project.

Ayon kay CIBAC party-list Rep. Joel Villa­nueva, may mga demolition jobs pa umano na darating kay Villar kaya dapat na siyang mag­handa ng mga credible na sagot para mapro­tektahan ang kanyang reputasyon.

Gayunman, sinabi ni dating Cavite Rep. Gilbert Remulla, spokesman ng Nacionalista Party na pinamumunuan ni Villar na gusto lamang ibagsak at siraan ang huli kaya may mga kampo na guma­ga­law na ngayon para intrigahin at gawan ng mga masa­ sa­mang ku­wento ang Senate president.

Sabi ni Remulla na ang mga pumirma sa resolus­yon para kalkalin at imbes­tigahan ang nasa­bing proyekto ay ang mga se­nador na hindi bumoto kay Villar sa Senate presidency at napag-alaman tatakbo rin para sa pangu­luhan sa 2010.

Ayon kay Romblon Rep. Jess Madrona, hindi na siya magtataka kung bakit sinisira na ngayon si Villar sa mamamayan dahil sa pagtaas at pangu­ nguna nito sa mga survey rating.

Samantala, may ilang kongresista ang nagsa­bing dapat imbestigahan ang kontrobersyal na proyekto para malinawan ng publiko ang tunay na pangyayari. 

Samantala, hinimok ni House Speaker Prospero Nograles ang kanyang mga kapartido sa Lakas-Christian-Muslim Democrats na umpisahan na ang lokal na konsultasyon para pumili ng itatapat nila sa nalalapit na eleksyon sa 2010 at magpahan­daan ang dapat nilang gawin.

Gayunman, tinanggi­han ni Vice President Noli de Castro ang alok na maging standard bearer sa 2010 national elec­ tion. (Butch Quejada)

AYON

BUTCH QUEJADA

CAVITE REP

GAYUNMAN

GILBERT REMULLA

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES

JESS MADRONA

JOEL VILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with