^

Bansa

Pag-aresto sa 2 solons inilarga na ng PNP

-

Anumang oras ay handa na ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin ang dalawang Kongresista ng Oriental Mindoro na inisyuhan ng warrant of arrest ng Sandi­gan­bayan dahilan sa pag­ka­kasangkot sa katiwalian.

Sinabi ni Supt. Edwin Diocos, Chief ng Investigation Division ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), hawak na nila ang warrants of arrest laban kina Oriental Mindoro Rep. Rodolfo Valencia (1st District) at Rep. Alfonso Umali Jr. ( 2nd District).

Ayon kay Diocos, ma­ngu­nguna  sa pag-aresto sa dalawang solon ang kanilang yunit sa National Capital Region, Region 4B sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) at ang kanilang Detection and Special Ope­rations Division.

Bukod sa tahanan nina Reps. Valencia at Umali ay  susuyurin din ng mga awtoridad ang mga lugar na  hangout areas o tina­tambayan ng mga ito at maging ang kanilang tang­gapan sa Kamara.

Inihahanda na rin ng pulisya sa pakikipag-ugna­yan sa House Sgt.-at-Arms upang makapasok sila sa Kamara at isilbi ang warrant of arrest laban sa dala­wang Kongresista.

Nitong Martes ay hina­tulan  ng Sandiganbayan anti-graft court sina Va­lencia at Umali at ilan pang lokal na opisyal ng Oriental Mindoro matapos na mapatunayang guilty sa kasong pagda-divert ng pondo ng gobyerno para sa mga biktima ng kala­midad sa lalawigan.

Sa ibinabang desisyon ng Sandiganbayan Fourth Divison ay napatunayang guilty sina Umali at Valen­cia sa paglilipat sa P2.5M public funds para sa ope­rasyon ng pribadong ferry boat sa kanilang lalawigan.

Kasama rin sa ano­malya sina Pedrito Reyes, Jose Enriquez, Jose Ley­nes at Engineer Alfredo Atienza.

Ang mga ito ay nasen­tensyahan ng anim hang­gang 10 taong pagkaka­kulong at pagkakadismis sa serbisyo sa dalawang solons. Hindi naman du­malo sa promulgasyon ng kaso ang dalawang mam­babatas. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALFONSO UMALI JR.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DETECTION AND SPECIAL OPE

EDWIN DIOCOS

ENGINEER ALFREDO ATIENZA

HOUSE SGT

INVESTIGATION DIVISION

ORIENTAL MINDORO

SHY

UMALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with