Appointment ni Chavit bayad utang
Kinondena ng Black and White Movement (BWM) ang ginawang pagtalaga ni Pangulong Arroyo kay ex-Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson bilang bagong Deputy National Security Adviser.
Ayon sa tagapagsalita ng nasabing grupo na si Leah Navarro, ang pagtatalaga ni PGMA kay Singson ay isa lamang umanong matibay na palatandaan ng pagbabayad ng utang na loob ng huli sa kanyang mga “political allies” o tumulong para lumawig ang kanyang panunungkulan.
Sinabi ni Navarro na lantaran na ang paglala-gay ni PGMA sa pwesto ng kanyang mga pinag- kautangan ng loob sa pu-litika kahit hindi umano karapat-dapat ang mga ito.
Kinuwestiyon din ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo ang appointment ni Singson dahil inaasahan umano nila na ang itatalagang mga opisyal ng National Security Council ay pawang may alam sa mili- tary matters dahil seguridad ng bansa ang kani-lang hawak.
Gayunman, umaasa si Bagaforo na malulu- tas ang kaguluhan sa Mindanao dahil ito ang kanilang ipinagdarasal at hangad ng nakararami. (Rose Tamayo-Tesoro/Doris Franche)
- Latest
- Trending