'Bata-bata' sa BJMP binanatan

Nagwawala na nga-yon ang mga hindi nagpa­ki­­ lalang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa hindi magandang patakbo sa ahensya matapos na tulig­sain ang nagaganap uma­nong “bata-bata” sa siste­ma ng promosyon.

Sa liham na ipinadala sa Department of Interior and Local Government Press Corps ng mga nag­pakilalang BJMP Senior Jail Officers 1 Forever, de­moralisado na umano nga­yon ang karamihan sa tau­han ng BJMP dahil sa ipi­napatupad na sistema ni Chief Supt. Serafin Barre-t­to Jr. sa pagbibigay ng pro­mosyon.

Nakasaad pa sa liham na pinapaboran umano ng pamunuan ni Barretto ang mga bagong pasok na tauhan ng BJMP na mas nauna pang napo-promote kaysa sa kanilang higit walong taon na ang ser­bisyo.

Binanatan ng grupo ang pamantayan sa pro­motion system kung saan binibigyan ng malaking puntos ang “interview por­tion”. Sinabi ng grupo na mas binibigyang pansin ang mga magagaling mag­salita ngunit hindi ang ma­galing magtrabaho tulad nila.

Tinangka naman ng DILG Press Corps na ku-nan ng pahayag si Baretto ngunit hindi ito suma­sagot. 

Sinabi naman ni DILG Undersecretary for Public Safety Atty. Marius Corpus na nararapat sinusunod ang pagbibigay ng pro­ mos­yo sa “qualification standards” ng Civil Service Commission (CSC).  Bukod sa “interview”, kailangang bigyang diin rin ang haba na sa serbisyo, edukas­yon, at mga katangitan­ging nagawa ng isang em­pleyado. (Danilo Garcia)

Show comments