'Bata-bata' sa BJMP binanatan
Nagwawala na nga-yon ang mga hindi nagpaki lalang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa hindi magandang patakbo sa ahensya matapos na tuligsain ang nagaganap umanong “bata-bata” sa sistema ng promosyon.
Sa liham na ipinadala sa Department of Interior and Local Government Press Corps ng mga nagpakilalang BJMP Senior Jail Officers 1 Forever, demoralisado na umano ngayon ang karamihan sa tauhan ng BJMP dahil sa ipinapatupad na sistema ni Chief Supt. Serafin Barre-tto Jr. sa pagbibigay ng promosyon.
Nakasaad pa sa liham na pinapaboran umano ng pamunuan ni Barretto ang mga bagong pasok na tauhan ng BJMP na mas nauna pang napo-promote kaysa sa kanilang higit walong taon na ang serbisyo.
Binanatan ng grupo ang pamantayan sa promotion system kung saan binibigyan ng malaking puntos ang “interview portion”. Sinabi ng grupo na mas binibigyang pansin ang mga magagaling magsalita ngunit hindi ang magaling magtrabaho tulad nila.
Tinangka naman ng DILG Press Corps na ku-nan ng pahayag si Baretto ngunit hindi ito sumasagot.
Sinabi naman ni DILG Undersecretary for Public Safety Atty. Marius Corpus na nararapat sinusunod ang pagbibigay ng pro mosyo sa “qualification standards” ng Civil Service Commission (CSC). Bukod sa “interview”, kailangang bigyang diin rin ang haba na sa serbisyo, edukasyon, at mga katangitanging nagawa ng isang empleyado. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending