^

Bansa

Presyo ng gulay, isda, karne bumaba

-

Malaki na umano ang ibinaba sa presyo ng mga itinitindang gulay at kar-   ne sa iba’t ibang lokal       na pamilihan sa Kalak­hang Maynila dahil sa sunud-sunod na rollback sa pres­yo ng produktong petrolyo at LPG.

Mula kahapon ay uma­abot sa P20-P40 kada kilo ang ibinaba ng mga gulay na nanggaling sa Baguio City na mabibili sa iba’t ibang palengke ng mga lungsod ng Metro Manila. 

Maging ang presyo ng isda, karne ng manok, baboy at baka ay bahag­ ya ring bumaba ang pres­yuhan sa mga pamilihan.

Pero kung naging ma­bi­ lis ang pagbabawas ng presyo sa mga pangu­na­hing palengke, naging ma­kupad naman at na­natili    pa rin sa dating pres­yo ang mga gulay at kar­ne na   na­bibili sa mga nag­lala-ki­hang malls ng Metro Manila.

Katwiran naman ng mga mall owners, bukod sa mataas pa rin umano ang presyo ng kuryente at sa pag-maintain ng cooling system kabilang na ang storage para mapa­nati­ ling sariwa ang mga gulay at mga karne, pinapaubos pa raw nila ang kanilang mga dating stocks na na­bili sa ma­taas na halaga. (Rose Tamayo-Tesoro)

BAGUIO CITY

KALAK

KATWIRAN

MAYNILA

METRO MANILA

MULA

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with