'Alay-Lakad 2008'
Libu-libong katao mula sa iba’t ibang sangay at sektor ng gobyerno at non-governmental organizations kabilang ang 86 clubs ng Rotary International District 3810 ang dadagsa sa Quirino Grandstand ngayong umaga (Sept. 7) upang makiisa sa taunang Alay Lakad.
Ayon kay Mercy T. Ong, pangulo ng Rotary Club of Malate, alas-5 ng madaling-araw lalakad ang libu-libong participants na magsisimula sa CCP grounds patungong Quirino Grandstand. Ang walk theme ng Alay-Lakad 2008 (walk for a cause) ay “Kagalingan ng Kabataan, Responsibilidad ng Bayan” kung saan aabutin sa 2 kilometro ang lalakarin (walk distance).
Pinapayuhan ang mga morista na umiwas sa mga lugar na dadaanan ng Alay-Lakad mula CCP-Roxas Blvd. hanggang Manila Hotel at Quirino Grandstand dahil isasara ito hanggang tanghali.Tiniyak naman ng pamunuan ng Manila Police District ang seguridad ng mga lalahok. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending