Mga bayarin sa public schools ipasasagot sa gobyerno
Dahil hindi pa rin maituturing na libre sa kung ano-anong bayarin ang mga mag-aaral sa public schools, isinusulong ngayon ni Sen. Antonio T rillanes IV ang isang panukalang batas upang sagutin ng gobyerno ang pagbabayad sa lahat ng uri ng school fees.
Sa Senate Bill 2582 na inihain ni Sen. Trillanes, sinabi nito na bagaman at mayroon ng libreng public education sa elementarya at high school, may mga school fees pa rin na kinokolekta sa mga estudyante kabilang ang Girl Scouts at Boy Scout of the Philippines fees, ID cards, student organizations at publications.
Ayon kay Trillanes, tuwing pasukan ay nagiging problema pa rin ng mga estudyante at mga magulang ang mga nasabing bayarin kaya dapat lamang na saluhin na lamang ito ng gobyerno.
Naniniwala ang senador na kaya namang i-subsidize ng gobyerno ang mga nasabing school fees upang matawag na libre na talaga ang public education sa bansa. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending