^

Bansa

Benta ng small players tumaas

-

Umepekto ang pana­wagan ng mga transport group na i-boykot ang tatlong dambuhalang kom­ panya ng langis na hindi kaagad nagpatupad ng rollback makaraang tumaas ang benta ng mga independent players na nagtapyas ng halaga ng kanilang produkto.

Ayon kay Chito Me­dina Cue, Jr., General Manager ng Unioil Philippines Inc., nadoble ang benta ng lahat ng kani­lang gas stations sa Me­tro Manila nang ipana­wagan ng transport group ang pag-boykot sa big-3 oil companies matapos nilang tap­ yasan ng P1 kada litro noong Martes ang halaga ng kanilang produkto.

Sinabi ni Cue na posi­bleng magtapyas pa sila ng mula P1 hanggang P2 kada litro sa ga­soline at diesel sa susunod na linggo kapag patuloy ang pag­bagsak ng presyo ng la­ngis sa pandaigdigang pamili­han.

Sa kasalukuyan, uma­abot na sa P6.50 ang ibi­ naba ng presyo ng kanilang gasoline habang P4.50 naman ang krudo mula ng magpatupad sila ng rollback noong Agosto.

Sa kabila nito, nag­pahayag din ng pangam­ba ang Unioil sa magiging resulta ng pagpupulong ng mga oil producing countries sa Setyembre 9, kung saan pag-uusa­pan ang pagda­ragdag o pagbabawas ng kanilang produkto, batay sa pa­ngangailangan ng mala­laking bansa. (Lordeth Bonilla)

AGOSTO

AYON

CHITO ME

GENERAL MANAGER

LORDETH BONILLA

SETYEMBRE

SHY

SINABI

UMEPEKTO

UNIOIL PHILIPPINES INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with