^

Bansa

P20-M reward vs Kato, Bravo

- Joy Cantos, Danilo Garcia -

Itinaas ngayon ng pa­mahalaan ang patong sa ulo nina Moro Islamic Liberation Front (MILF) Commanders Umbra Kato at Abdulrahman “Bravo” Ma­capaar sa P20 milyon para sa agad na ikadarakip ng mga ito at mapanagot sa kanilang mga krimen.

Sina Kato at Bravo ay kapwa nahaharap sa ka­song multiple murder, arson, illegal detention at robbery in band dahil sa su­nud-sunod na pagsalakay sa mga bayan sa Minda­nao na ikinasawi ng mara­ming inosenteng sibilyan.

Bukod dito, inihayag rin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno ang pagbibigay ng P5 milyong “reward mo­ney” para naman sa ika­darakip ng isang pang commander ng MILF na si Aleen Sulayman Panga­lian na tumulong sa dalawa sa pagsalakay sa mga barangay sa North Cota­bato at Lanao del Norte.

Nagpalabas rin ng P1.7 milyon ang pamahalaan para sa ikadarakip ng mga suspek na nagpasabog ng isang bus sa Digos city sa Davao del Sur nitong Setyembre 1 na ikinasawi ng anim katao at ikina­sugat ng 27 pa.

Nasa P500,000 ang patong sa ulo ng suspek na si Salahudin Hassan, alyas “Sudz”; habang tig-P400,000 naman ang ibibigay sa makapagtuturo kina Addulmalik Sali, alyas “Dindo”; Tahir Abubakas, alyas “Jerome” at Junaira Minbida, alyas “Bay”.

Nagpakalat na rin ng dagdag na 3,500 pulis bu­hat sa Police National Training Institute sa mga barangay sa North Cota­bato, Lanao del Norte at iba pang lugar na posi­bleng atakihin ng MILF. Tinata­yang dagdag na 30 pulis ang maitatalaga sa bawat bayan.

 

vuukle comment

ADDULMALIK SALI

ALEEN SULAYMAN PANGA

COMMANDERS UMBRA KATO

JUNAIRA MINBIDA

LANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTE

NORTH COTA

POLICE NATIONAL TRAINING INSTITUTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with