Artificial sweetener may masama raw epekto

Gustong ipagbawal ni ARC party-list Rep. Narciso Santiago ang pagbebenta ng aspartame o artificial sweetener dahil nakakaapekto umano ito sa kalusugan ng mga gumagamit nito.

Ayon kay Rep. Santiago, ini-report ng United States Food and Drug Administration (USFDA) na may 75% reaction sa mga gumagamit ng aspartame at kabilang sa mga epekto nito sa tao ay insomia, pagbilis ng tibok ng puso, sakit ng ulo, pagkahilo, pananakit ng katawan at marami pang iba.

Sinabi ni Santiago na pinalalala pa umano ng nasabing artificial sweetener ang tumor, mental retardation, epilepsy, Alzheimer’s disease, diabetes at Parkinson’s disease, (Butch Quejada)

 

Show comments