^

Bansa

3-man panel may findings na sa suhulan sa CA

-

Isinumite na sa Mataas na Hukuman nang binuo nitong three-man panel ang kanilang findings at reko­ mendasyon hinggil sa isyu ng suhulan sa mga mahis­trado ng Court of Appeals (CA),

Tumanggi naman ang Korte Suprema na ibunyag ang nilalaman ng ulat at si­nabing pananatilihin muna nila itong confidential hang­gang sa matalakay na nila ito sa isang en banc session na nakatakda sa Mar­tes, Setyembre 9.

Ayon kay Atty. Midas Marquez, tagapagsalita ng Korte Suprema, depende umano sa laki ng kasa­lanan ng mga mahistrado ng CA ang magiging kapa­rusahan ng mga ito.

Kung makikita umano sa findings ng SC na malaki ang violation at may improprieties na nangyari, ma­aring ang parusa dito ay mula sa simpleng babala o maaring pagalitan ang Mahistrado o maari ding pagsibak sa serbisyo.

Matatandaang kabilang sa mga mahistrado na sangkot sa naturang suhu­lan sa Appellate Court at ipinatawag ng panel ay sina Associate Justices Vicente Roxas, Jose Sabio, Bien­venido Reyes, Apolinario Bruselas, Myrna Dimara­nan-Vidal, at Presiding Justice Conrado Vasquez Jr.

Nag-ugat ang kaso sa sigalot sa pagitan ng Meralco at GSIS.

Nadawit din naman ang pangalan ni PCGG chairman Camilo Sabio at Atty. Jess Santos, abogado ni Unang Ginoo Mike Arroyo, matapos na tangkaing makialam sa magiging desisyon ng hukuman. (Gemma Amargo-Garcia)

APOLINARIO BRUSELAS

KORTE SUPREMA

META

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with