Kahit makailang beses na humingi ng paumanhin ang Intramuros Administration, itutuloy pa rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagsasampa ng kaso laban dito dahil sa umano’y pagmasaker sa may 29 puno sa Plaza Roma sa harapan ng Manila Cathedral.
Sinabi ni Corazon Davis, executive director ng DENR-National Capital Region, posibleng maku long ng dalawang taon at multang P5,000 si Maria Ana “Bambi” Harper dahil sa paglabag sa Section 3 ng Presidential Decree 953 kahit na ito ay nag-sorry sa mga pahayagan.
Anya, bago ito ay itinanggi ni Harper na ipinaputol nila ang mga punongkahoy sa naturang lugar kasama na ang siyam na narra trees at dalawang mahogany tree na pawang kinokonsiderang endangered o paubos na.
Sinasabi pa umano dati ni Harper na may kulay politika lamang ang banta sa kanya ni Atienza dahil noong Mayor pa ito ng Maynila ay gusto na ng Alkalde na mapangasiwaan ng cityhall ang naturang lugar.
Gayunman, nilinaw ni Davis na ang usapin ay wala sa pagitan nina Atienza at Harper kundi ang mapanagot sa batas si Harper dahil sa pagputol ng mga punongkahoy. (Angie dela Cruz)