Hinikayat kahapon ni Senator Richard Gordon, may-akda ng Election Automation Law, ang Commission on Elections na madaliin ang pagpapalabas ng mga plano at preparasyon at pangangailangan ng pondo para sa 2010 automated elections
Sinabi pa ng senador na magandang ilahad ng COMELEC sa deliberasyon ng Kongreso sa 2009 budget ang mga plano para maisakatuparan ang naturang halalan.
Sinabi naman ni COMELEC Chairman Jose Melo na inaasahan nilang magpapalabas na ang kanilang Technical Advisory Council ng rekomendasyon sa uri ng teknolohiyang gagamitin.
Ngunit kinontra ito ni Gordon at sinabing kinakailangang mauna na ang COMELEC na magpalabas ng budgetary requirements kaysa sa Technical Advisory Council. (Gemma Amargo-Garcia)