40 pulis kinasuhan ng multiple murder

Sinampahan kaha­pon ng kasong multiple murder sa Department of Justice ang 40 pulis na miyembro ng Task Force RCBC kaugnay ng pagkakapaslang sa ilang suspek sa pang­hoholdap at pagpatay sa 10 emleyado ng isang sangay ng Rizal Commercial Banking Corporation sa Cabu­yao, Laguna.

Naghain ng natu­rang demanda ang abo­gado ng mga ka­mag-anak ng mga sus­pek na napatay ng pu­lisya sa Tanauan, Ba­tangas. 

Kabilang sa ikina­ka­tawan ni Atty. Harry Roque sa isinampa niyang demanda si Olivia Javier, asawa ng isa sa mga suspek na si Vicencio Javier.

Ilan sa idinemanda sina Police Superintendents Gilbert Sauro, David Quimio at Ome­ga Jireh Fidel.

Base sa record, Sina Javier, Angelito Malabanan at Rolando Lachica ay kabilang sa mga nangholdap sa RCBC noong Mayo 16,2008 at pumatay sa mga empleyado ng banko.

Sa follow-up operations, natunton umano ng mga pulis ang pi­nag­tataguan ng mga sus­pek sa Barangay Pa­gaspas, Tanauan City noong Mayo 22 kung saan nanlaban umano at nakipag ba­rilan sa mga miyembro ng Task Force RCBC ang tat­long biktima kaya na­patay ang mga ito.

Taliwas naman ito sa pahayag ng mga kamag-anak ng mga suspek na hindi nanla­ban ang mga ito pero pinagbabaril pa rin ng pulisya at napagbin­tangan lamang na ka­sama sa mga suspek sa RCBC massacre.

Pinagbasehan ni Roque sa kaso ang deklarasyon ng Commission on Human Right na rubout ang sinasabing pagkaka­pa­tay sa mga suspek.

Show comments