Sinabi kahapon ng Malacañang at ng Philippine National Police na ipinauubaya na nila sa korte ang paghuhusga sa pagdakip ng pulisya sa ilang mamamahayag na nagkober sa pagkubkob ni Senador Antonio Trillanes at ng ibang rebeldeng sundalo sa Manila Peninsula Hotel noong nakaraang taon.
Ginawa ng pamahalaan ang pahayag bilang reaksyon sa deklarasyon ng Commission on Human Right na puwedeng kasuhan ang mga pulis sa iligal na pagdakip sa mga mamamahayag.
Sinabi ng mga tagapagsalita ng Malacanang na, kung may nilabag na batas ang mga pulis, dapat nila itong panagutan.
Sinabi rin ni PNP Chief Director General Avelino Razon na iginagalang nila ang opinyon ng CHR pero nakasalalay ito sa korte. (Rudy Andal at Joy Cantos)