Kato patay na?

Mistulang bulkang sumabog ang kumalat na balitang patay na umano ang wanted na si 105th Base Commander Ameril Umbra Kato ng Moro Islamic Liberation Front.

Gayunman, sinabi ni 6th Infantry Division Chief Major Gen. Ray­mundo Ferrer ng Philippine Army na binibe­ripika pa nila ang ulat.

Sinabi ni Ferrer na sa text message la­mang kumakalat ang balitang patay na si Kato na may patong sa ulong P5 milyon.

Ayon kay Ferrer, sa kasalukuyan ay hindi pa nila maaring seryo­ suhin ang ulat hangga’t wala silang ebiden­syang ma­panghaha­wakan.

Ayon kay 6th ID Spokesman Col. Ju­lieto Ando, may natang­gap silang impormas­yon na diabetic si Kato at ma­aring magpalala ito sa tinamo nitong sugat sa engkuwentro sa hindi pa nakilalang mga ar­madong kalala­kihan na nanambang sa pasa­way na grupo ng MILF renegades.

Pinabulaanan din ng peace negotiator ng MILF na si Mohagher Ic­bal na patay na si Kato.

“Buhay na buhay pa siya pero di namin siya isusuko,“ sabi ni Icbal. (Joy Cantos)

Show comments