^

Bansa

Mag-lolang abortionist, 4 pa timbog ng NBI

-

Nalambat ng mga tauhan ng National Bu­reau of Investigation (NBI) ang isang 82-anyos na umano’y OB-Gyne­colo­gist, apo nitong ba­bae at mga katulong sa pag-aabort, sa isang en­tra­p­ment operation sa Calo­ocan City, sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga sus­pect na sina Catalina Bajande Jose, 82, na isa umanong OB-Gyneco­logist at Anna Jose Tolen­tino, na kilala umano sa lugar bilang alyas “Dr Anne”, 18, kapwa resi­dente ng Lot 17, Block 44, Package 2, Phase 2, Bagong Silang, Caloocan City; Merlinda Guiyab Paralisan alyas “Aling Nene”; Perfecta Hopia Mahinay; Violeta Santos Marco at Benjie Cantuba, mga residente umano ng Caloocan, Quezon City at Valenzuela City.

Nabatid na dumulog sa NBI ang isang Ar­mando Magnaye, 57, ng 4th Avenue Grace Park, Caloocan City upang irek­lamo ang muling opera­syon ng klinika ng mag-lolang abortionist na naging sanhi umano ng pagkamatay ng kanyang 24-anyos na anak na si Aisa Magnaye, noong Agosto 15, 2008.

Naisugod umano ang kanyang anak sa Ber­nardo Grace Hospital sa Caloo­can City at doon na bina­wian ng buhay dahil sa hindi marapat na pag­durugo matapos isailalim ng mag-lola sa abortion, ayon sa reklamo.

Isinagawa ang en­trap­ment kung saan isang lady informant ang nag­kun­­waring magpapa­laglag.

Nadiskubre din ng NBI na maliban sa syringe na gamit ng mag-lola, may cuticle remover liquid na ginagamit uma­nong pang­­­laglag.

Ang mga ito ay na­sam­­sam kabilang ang dala­wang bangkay ng fetus na nakasilid sa isang pouch bag.

Isinampa na ang ka­song Intentional Abortion, Reckless Imprudence resulting to homicide at Serious Physical Injuries laban sa mga suspect habang ang dalawang babaeng naudlot ang pag­papa-abort ay naka­su­han din sa tangkang pag­papa-abort. (Ludy Bermudo)

AISA MAGNAYE

ALING NENE

CALOOCAN CITY

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with