Pichay bagong LWUA chair

Itinalaga kahapon ni Pangulong Arroyo  ang isa pang natalong senatorial candidate ng team unity na si Prospero Pichay bilang bagong chairman ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

Naunang umugong ang pangalan ni Pichay bilang susunod na administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) subalit umani ng mga batikos mula sa ibat ibang sektor.

Papalitan ni Pichay si LWUA acting chairman Proseso Domingo.

Si Pichay ang ikatlong losing senatorial candidate ng Team Unity na binigyan ng puwesto ng Pangulo matapos ang 1 year ban.

Unang itinalaga ni PGMA si Mike Defensor sa Task Force NAIA 3 at dating Sen. Vicente Sotto III na itinalaga naman bilang chairman ng Dangerous Drugs Board. (Rudy Andal)

Show comments