Wanted posters ni Kato, Bravo ipinakalat ng PNP
Iligan City, Lanao del Norte – Ipinakalat na ng Philippine National Police (PNP) ang mga poster nina Moro Islamic Liberation Front (MILF) Commanders Umbra Kato at Bravo na may patong sa ulo na tig-P5 milyon.
Ayon kay PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., sa pamamagitan ng pagkakalat ng naturang mga posters ay higit na mapapabilis ang pag-aresto sa dalawa dahil dadami ang mga tipster.
Si Bravo ang umano’y nasa likod ng madugong ambus, pag-masaker ng mga sibilyan, panununog ng mga kabahayan, pag-ransak ng mga establisimyento at pagnanakaw sa mga ATM machines sa apat na bayan ng Lanao del Norte.
Samantalang si Kato ang sinasabing kumubkob sa 15 barangay sa pitong bayan ng
Kaugnay nito, nagbigay ng P500,000 si Puno sa Ozamis City upang matulungan sa dumaraming bilang ng evacuees na nanggaling sa mga karatig na bayan na sinalakay ng mga rebelde.
Tumanggap rin ng P150,000 ang Clarin, Misamis Oriental; P500,000 sa bayan ng Kolambugan; P 300,000 sa Kauswagan at P1M naman sa Iligan City at Lanao del Norte na ayon kay Puno ay mula sa Presidential Savings Fund .
Sinabi ni Puno na layunin ng pagbibigay ng tulong pi nansyal na maibalik ang normal na buhay ng mga residente na nawalan ng tirahan. (Joy Cantos/Danilo Garcia)
- Latest
- Trending