^

Bansa

Dahil sa Ramadan: Labanan sa Mindanao pinatitigil

-

Hinimok ng isang alyansa ng mga sama­han ng mga overseas Filipino workers sa Mid­dle East si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ipatigil ang military operations sa Min­danao bilang pagpapa­kita ng respeto sa gaga­wing paggunita sa bu­wan ng Ramadan sa Setyembre.

Ayon sa Migrante Middle East na may mga miyembrong Muslim, bilang commander-in-chief, dapat ipatigil ng Pangulo ang operasyon ng militar sa Mindanao upang maipakita ang paggalang sa Ramadan na isang  banal na okas­yon para sa mga Muslim.

Kinondena rin ng gru­po ang anila’y pag-i-initiate ng pamahalaan ng labanan sa Minda­nao dahil sa kontrober­syal na Memorandum of Agreement on Ancestral Domain.

Iginiit naman kaha­pon ng Pangulo sa Organization of Islamic Conference na walang inilulunsad na all-out-war ang gobyerno laban sa Moro Islamic Liberation Front sa Mindanao.

Sinabi ni Pangulong Arroyo sa kanyang ta­lum­pati sa ground break­ing ng Global Gateway Logistics City na ang military at police operations ay laban lamang kina Kumander Umbra Kato at Ku­ man­der Bravo na respon­sable sa pag-atake sa mga sibilyan at militar sa Lanao del Norte, North Cotobato at Sa­ranggani. (Mer Layson at Joy Cantos)

vuukle comment

ANCESTRAL DOMAIN

GLOBAL GATEWAY LOGISTICS CITY

JOY CANTOS

KUMANDER UMBRA KATO

MEMORANDUM OF AGREEMENT

MER LAYSON

MIGRANTE MIDDLE EAST

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with