Magkakaroon na ng tsansa ang mga kababaihan lalo na sa mga liblib na komunidad na maki lahok sa economic empowerment at malabanan ang global warming matapos na lumagda sa isang kasunduan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW) para simulan ang GREAT Women Project.
Sa ilalim ng Gender Responsive Economic Actions for the Transformation of Women o GREAT, bibigyang kapangyarihan ang mga kababaihan na makapagdesisyon sa usapin ng environmental laws para sa proteksiyon ng kapaligiran at likas na yaman ng bansa habang nag-iisip din ito ng mga bagong paraan para sa paghahanap ng pagkakakitaan ng kanilang pamilya.
“The Great Women Project will create viable and sustainable micro-enterprises, some of which are expected to be up-scaled into small medium enterprises,” sabi ni Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza.
Nasa P8,906,700 ang pondong gugugulin dito na ipatutupad sa loob ng tatlong taon na sinimulan nitong Agosto.