Pagtugis sa 3 kumander ng MILF tuloy
Hindi ititigil ng pamahalaan ang pagtugis laban sa tatlong kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nasa likod ng serye ng pag-atake ng nag-iwan ng maraming patay at sugatan sa mga lalawigan ng
Ito ang siniguro ni Press Secretary Jesus Dureza, na nanawagan sa mga opisyal ng MILF na pigilin ang kanilang puwersa at hayaan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na tugisin sina commander Umbra Kato, Bravo at Aleem Sulaiman Pangalian.
”If MILF Chairman Al Haj Murad is not capable of bringing in his MILF commanders to answer for the terroristic acts, then his men must stand down while government forces enforce the law,” wika ni Dureza.
Idinagdag pa ni Dureza na hindi puwedeng itigil ng PNP at AFP ang kanilang operasyon hanggang hindi napipigil at naparurusahan ang tatlo nang naaayon sa batas.
Sa kabila nito, sinabi ng Malacañang na tuloy pa rin ang usapang pangkapayapaan sa rebeldeng grupo.
Kamakailan, inutusan ni Pangulong Arroyo ang AFP at PNP na tugisin ang tatlong commander ngunit pinaalahanan sila na iwasan na masaktan ang mga sibilyan at makasira ng ari-arian. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending