^

Bansa

Bgy. chairmen dapat may insurance - Angara

-

Karagdagang bene­pisyo sa pamamagitan ng insurance para sa mga barangay chairmen ang inihain ni Sen. Edgardo Angara sa Senado.

Ayon kay Sen. Angara, ang barangay captain ang punong ehekutibo ng pina­kamaliit na sangay ng pa­mahalaan, at ito ang nag­papatupad ng mga pro­yekto mula sa national government kaya’t mara­pat lamang na kilalanin ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng pag­bigay ng insurance.

Sa kanyang  Expanded Barangay Captain’s Insurance Act of 2007, magka­karoon ng death claim benefits ang barangay captain na nagkakahalaga ng P250,000 kapag ito ay namatay sa pamamagitan ng aksidente o asasi­nasyon habang nagsasa­gawa ng kanyang trabaho at tulong palibing naman o burial assistance na hindi lalampas ng P50,000.

Isasauli din ang hala­gang hindi lalampas sa P100,000 sakaling masu­gatan, sa asasinasyon o aksidente habang nagsa­sagawa ng kanilang ga­wain.

Hind maibibigay ang ganitong benepisyo saka­ling ang pagkamatay, o pag­ kasugat ay nangyari na may gross negligence o pag­papabaya ng barangay captain; intensyon na pa­ta­yin ang sarili, lasing at pag-abandona sa opisina isang buwan bago maga­nap ang insidente. (Rudy Andal)

ANGARA

AYON

EDGARDO ANGARA

EXPANDED BARANGAY CAPTAIN

INSURANCE ACT

ISASAULI

KARAGDAGANG

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with