^

Bansa

MOA walang silbi kahit mapirmahan

-

Wala ring magiging silbi ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) kahit na matuloy itong lagdaan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito ang inamin kaha­pon ni Sec.Rodolfo Garcia, ang chairman ng GRP Peace panel sa pagpapatuloy ng oral argument sa Korte Suprema.

Ayon kay Garcia, wala siyang full authority mula kay Pangulong Arroyo nang magtungo sa Kuala Lum­pur, Malaysia para sa pag­lagda sa nabanggit na ka­sunduan.

Sa pagtatanong ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sinabi ni Garcia na ang dalawang memorandum of authority na inisyu noong 2001 at 2003 ang kanyang tanging bitbit, kung saan nakasaad na binigyang ka­pangya­rihan siyang maki­pag­nego­tiate ng MILF.

Sinabi pa ni Garcia na base sa dalawang nabang­git na dokumento, iniisip na niyang may authority si­yang lumagda sa kasun­duan bilang kinatawan ng pamahalaan.

Iginiit naman ni Associate Justice Arturo Brion na kahit nalagdaan ang MOA-AD kung wala namang authority na lumagda mula sa Pangulo ay wala rin itong saysay.

Itutuloy ang oral argument sa Agosto 29 mata­pos makapagsumite ang OSG ng initial ng MOA sa Martes. (Gemma Garcia)

ANCESTRAL DOMAIN

ASSOCIATE JUSTICE ARTURO BRION

GARCIA

GEMMA GARCIA

KORTE SUPREMA

KUALA LUM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with