^

Bansa

Ipagagamit sa patrol cars ng mga pulis, mantika fuel

- Ni Malou Escudero -

Dahil imposible pa ring bumaba ng tuluyan ang presyo ng mga pro­duktong petrolyo, isang panukalang batas ang isinusulong ngayon sa Senado na naglalayong ihalo sa diesel ang mga pinaglutuang mantika o cooking oil upang ilagay sa patrol cars ng mga pulis.

Iginiit sa Senate Resolution 550 na dapat pag-aralan ng Senate Committees on Public Order and Illegal Drugs at Energy ang paggamit ng pinaghalong cooking-oil at diesel sa lahat ng patrol cars ng mga pulis sa bansa at sa iba pang ahensiya ng gobyerno.

Nakasaad sa reso­lusyon na dapat lamang mag-isip ng ibang paraan ang gobyerno upang mabawasan ang gastos sa gitna nang mataas pa ring presyo ng mga pro­duktong petrolyo.

Sa Makati City ay na­gagamit na ng mga patrol cars ng mga pulis ang pinaghalong cooking oil at diesel bilang alternati­bong krudo.

Base umano sa pag-aaral sa Makati, aabot sa P500,000 o kalahating milyon ang matitipid ng gobyerno sa isang taon dahil sa pinaghalong cooking oil at diesel.

Nagtayo na rin ang PNP-Bio Diesel Program ng isang mini-plant o refinery na nagsasala ng mga gamit na cooking oil upang matanggal ang tubig at pagkain na naka­halo dito.

Ang nasalang mantika ay isinasailalim sa cold process sa loob ng wa­long oras at saka ito iniha­halo sa diesel sa pama­ma­gitan ng 40-60 ratio at nagagamit na sa mga sasakyan.

Ilang fast food chains na rin ang nag-boluntaryo na magdo-donate ng ka­nilang nagamit na vegetable oils para ihalo sa diesel.

BIO DIESEL PROGRAM

DIESEL

SA MAKATI CITY

SENATE COMMITTEES

SENATE RESOLUTION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with