^

Bansa

Bag ng obispo na may P.96M isinoli ng lady guard sa NAIA

-

Isa na namang lady guard sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nagpakita ng katapatan matapos nitong isoli ang isang travelling bag na naiwan ng isang obispo na naglalaman ng P96,000 sa Centennial Terminal 2, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Ramon Sales, operations chief ng NAIA-T2 ang honest lady guard na si  Leonor Bermasio ng Lanting Security Agency.

Ayon kay Bermasio, alas-10:55 ng umaga habang nagpapatrolya siya sa arrival fetching area nang mapansin nito ang isang bag.Agad niya itong dinala sa lost and found section at itinawag naman ni Sales kay NAIA AGM for security and emergency chief Angel Atutubo at Robert Uy, terminal 2 manager.

Napag-alaman na pag-mamay-ari ito ni Bishop Nerio Odchimar ng Surigao del Sur. Sinubukan kontakin ni Atutubo si Bishop Odchimar sa pamamagitan ng mga numero ng telepono na nakuha sa bag ng huli.

Dumating naman ang Bishop sa paliparan matapos ang 30 minuto at bago nito kunin ang kanyang bag ay pinasalamatan nito ang nasabing lady guard dahil sa pagiging tapat sa tungkulin at kabutihang loob. (Ellen Fernando)

vuukle comment

ANGEL ATUTUBO

BISHOP NERIO ODCHIMAR

BISHOP ODCHIMAR

CENTENNIAL TERMINAL

ELLEN FERNANDO

LANTING SECURITY AGENCY

LEONOR BERMASIO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

RAMON SALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with