^

Bansa

Wala nang peace talks! – GMA

- Ni Rudy Andal -

Hindi na muna makiki­pag-usap ang gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front  (MILF)  hangga’t  hindi isinusuko ng rebel­deng grupo ang dalawang ground commander nito na patraydor na naghasik ng pag-atake sa tatlong lala­wigan sa Mindanao.

Sa kanyang mensahe sa 2nd Philippine International Motor Show sa World Trade Center sa Pasay City, sinabi ni Pa­ngulong Arroyo na ang layunin ng pama­halaan sa pagpasok sa peace talks ay upang tuluyang mawakasan ang “armed struggle” kaya bago ito muling pumasok sa anu­mang peace negotiations sa MILF o New People’s Army (NPA) ay dapat iba­ba muna ng anumang gru­po ang kani­lang ar­mas.  

“We are not at war with the Muslim community. Engagements with all armed groups shall be about disarmament, demobilization and rehabilitation,” wika pa ni PGMA.

Magbabalik lamang ang government panel sa peace negotiating table sa MILF kapag isinuren­der nito sina Kumander Bravo at Kumander Kato na responsable sa pag-atake at pagpaslang sa mga inosenteng sibilyan sa North Cotobato, Lanao del Norte at Saranggani.

“We cannot make peace at the expense of the people who have been massacred. The responsible people should answer to the law. Sincerity will not be shown unless they surrender to government the 2 base commanders,” paha­yag naman ni Press Secretary Jesus Dureza.

Sinabi ni Dureza na hindi isinasara ng gob­yerno ang pintuan para sa peace process sa MILF dahil hangad pa rin ng pama­halaan na makamit ang kapayapaan sa Min­danao.

Subalit, hindi naman anya pipirma ang gob­yerno sa anumang ka­sun­duan sa isang orga­nisasyon na wala namang control sa kanilang mga field commanders.

KUMANDER BRAVO

KUMANDER KATO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NEW PEOPLE

NORTH COTOBATO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with