STL sa Albay pinapatigil

Hiniling kahapon ni Albay Governor Joey Sarte Salceda sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ipahinto sa lalong madaling panahon ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa kan­ yang probinsiya dahil sa ginagawa na umanong “front” ito ng illegal na operasyon ng juteng.

Sa isang statement, inatasan na rin ni Salceda si Sr. Supt. Joel Baloro director ng Albay Police Provincial Office, na kaagad makipag-ugnayan sa PCSO para sa mabilisang pagpapahinto ng STL sa buong Albay province.

“PCSO has full control and directly manages the numbers game [STL] in Albay. Since I assumed office, I appointed [former jueteng whistleblower] Boy Mayor to monitor it. But given persistent media reports [about alleged un­derdeclaration of bet collections], I ordered the PNP Provincial director to tell PCSO: ‘Stop STL Operations’,” ani Salceda.

Kasabay nito, nanawa­gan din ang gobernador sa Simbahang Katoliko, particular na kay Mos Rev. Lucilo Quimbao, auxillary bishop ng Legaspi, at iba pang kaparian sa probin­siya na tulungan siyang imonitor kung may operas­yon pa bang STL sa buong Albay.

Bukas umano lagi ang kanyang tanggapan para aksiyunan kung may ope­rasyon pa ng illegal na pa­sugalan sa kanyang nasa­sakupan, sabi pa niya.

Kung matatandaan, sinisi ni dating Senate star witness Sandra Cam ang tanggapan ni Salceda kung bakit patuloy uma­nong nag-ooperate ang jueteng sa kanilang pro­binsiya dahil na rin sa pagbubulag-bulagan ng gobernador na ipatupad ang mahigpit na kampanya laban sa illegal na sugal. (Butch Quejada)

Show comments