^

Bansa

Gobyerno sinisi sa bakbakan

-

Binatikos ni businessman Joey de Venecia ang gobyerno dahil sa bakba­kan sa North Cotabato at gayundin sa labanang na­gaganap ngayon sa pagi­tan ng mga sundalo at mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Lanao del Norte. 

Aniya, ang mga dig­maang ito ay nagresulta ng pagkamatay ng ma­ rami, pagkasugat ng iba pa at pag­kawala ng tira­han ng mga inosente, sa kagus­tuhan lamang ng pamaha­laang Arroyo na maisulong ang pagbaba­gong bihis sa Saligang Batas.

Ang ba­tang de Ve­necia, anak ni dating House Speaker Jose de Venecia Jr., at na­ging whistleblower sa ma­anomalyang US$ 329. 48-million NBN-ZTE broadband deal, ay nagpa­ hayag din ng kalungkutan sa aniya mala-impiyernong sitwasyon ngayon sa Min­danao.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Joey na nalulung­kot siya kung bakit  kina­ ka­­ilangang magbuwis ng buhay ang marami nating kababayan, kabilang na si Marine Cpl. Angelo Abeto, para lamang maisakatu­rapan ng gobyerno ang GRP-MILF Memorandum of Agreement on  Ancestral Domain (MOA-AD). 

Dahil dito, nanawagan si Joey sa taongbayan na tumulong sa pagsagip sa ating mga kababayan na nahaharap ngayon sa ma­tinding krisis sa Mindanao,  partikular yung mga nasa evacuation centers.

Nanawagan din siya sa Supreme Court at Kongre­so na tuluyang ibasura ang MOA-AD. (Butch Quejada)

ANCESTRAL DOMAIN

ANGELO ABETO

BUTCH QUEJADA

HOUSE SPEAKER JOSE

MARINE CPL

MEMORANDUM OF AGREEMENT

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with