Magtatayo ngayon ng bronze na rebulto ni da ting Sen. Benigno Aquino Jr. sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport-Terminal 3 si Pangulong Gloria Arroyo bilang bahagi ng nationwide na pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng kabayanihan ni Ninoy.
Si Ninoy ay napaslang sa Tarmac ng old Manila International Airport noong bumalik siya sa bansa galing sa exile sa US noong Agosto 21, 1983.
Ang pagkamatay ni Ninoy ang naging tuntungan upang patalsikin ang Marcos regime sa pamama-gitan ng People Power revolution noong 1986 at iniluklok si Mrs. Cory Aquino bilang Pangulo ng ban-sa. (Rudy Andal)