Upang maging mabilis at mas maging sigurado ang pagresolba sa mga kriminal, isinulong ni Sen. Edgardo Angara ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng deoxyribonucleic acid (DNA) database sa bansa.
Sa kanyang Senate Bill 974 o DNA Analysis Enhancement Act, sinabi ni Angara na kalimitang nagkakaroon ng mga inaccuracies sa mga biological evidences sa mga kasong criminal, at maiiwasan ito kung magagamit ng husto ang mga forensic technology katulad ng DNA testing sa pagresolba sa isang krimen.
Sa 1922 case na US vs. Jakobetz, nakasaad na kinikilala ng scientific community at ng mga korte ang DNA typing bilang “unquestionably sound” at “reliable” at malayo sa mga human errors.
Kabilang sa mga maaaring paggamitan ng DNA analysis sa mga forensic investigation ang mga sumusunod: identification ng potential suspects kung saan ang DNA ay ka-match sa ebidensiyang naiwan sa crime scenes; pag-establish ng paternity at iba pang family relationships; identification ng endangered at protected species na mahalaga sa wildlife officials; pag-match ng organ donors sa mga recipients sa transplant programs.
Kahit anong uri ng organismo ay maaari umanong matukoy sa pamamagitan ng DNA.
Sa panukala ni Angara, isang comprehensive national DNA database na tatawaging National DNA Index System (NADIS) ang itatayo at pamumunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) Director. (Malou Escudero)