^

Bansa

DNA database sa Pinas giit

-

Upang maging mabilis at mas maging sigurado ang pagresolba sa mga kriminal, isinulong ni Sen. Edgardo Angara ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng deoxyribonucleic acid (DNA) database sa bansa.

Sa kanyang Senate Bill 974 o DNA Analysis Enhancement Act, sinabi ni Angara na kalimitang nagkakaroon ng mga inaccuracies sa mga biological evidences sa mga kasong criminal, at ma­iiwasan ito kung maga­gamit ng husto ang mga forensic technology ka­tulad ng DNA testing sa pagresolba sa isang kri­men.

Sa 1922 case na US vs. Jakobetz, nakasaad na kinikilala ng scientific community at ng mga korte ang DNA typing bilang “unquestionably sound” at “reliable” at malayo sa mga human errors.

Kabilang sa mga maaaring paggamitan ng DNA analysis sa mga forensic investigation ang mga sumusunod: identification ng potential suspects kung saan ang DNA ay ka-match sa ebiden­siyang naiwan sa crime scenes; pag-establish ng paternity at iba pang family relationships; identification ng endangered at protected species na mahalaga sa wildlife officials; pag-match ng organ donors sa mga recipients sa transplant programs.

Kahit anong uri ng organismo ay maaari umanong matukoy sa pamamagitan ng DNA.

Sa panukala ni An­gara, isang comprehensive national DNA database na tatawaging National DNA Index System (NADIS) ang itatayo at pamumunuan  ng  National Bureau of Investigation (NBI) Director. (Malou Escudero)

ANALYSIS ENHANCEMENT ACT

ANGARA

DNA

EDGARDO ANGARA

INDEX SYSTEM

MALOU ESCUDERO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SENATE BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with