Alyansang MILF-NPA, iresponsable - M’cañang
Hindi naging katanggap-tanggap sa Malacañang ang panukala ni exiled communist leader Jose Ma. “Joma” Sison na sumanib ang puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Communist Party of the
Ayon kay Deputy presidential spokesman Anthony Golez Jr., iresponsable ang sinumang makikipag-alyansa sa mga organisasyong hindi naman kinikilala ng gobyerno.
Ipinaalala ni Golez na lahat ng mamamayan ay may ‘shared responsibility” para mapaunlad ang bansa. Dapat aniyang magsama-sama ang lahat ng sector upang magkaroon ng kapayapaan sa bansa.
Napaulat noong Biyernes na inalok ni Sison ang MILF na makipag-alyansa na sa National Democratic Front of the
Hinikayat pa umano ni Sison ang MILF na kalabanin na ang gobyerno dahil ginamit ang peace process para lamang maisulong ang pag-amiyenda sa Konstitusyon. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending