Koleksiyon ng POM sumobra

Umaabot sa P881 mil­ yon ang sobra sa koleksi­yon ng Port of Manila (POM) ngayong buwan ng Hulyo sa pamamahala ni POM District Collector Horacio P. Suansing, Jr.

Ayon kay Suansing, nakolekta ngayon buwan ang P8.3 B samantalang ang  target lamang ng tang­gapan ay P7.5 B. Indikas­yon ito ng magandang ko­leksyon na mayroong  11.76 porsiyento.

Sinabi ni Suansing, ang maganda at maayos na koleksiyon ay bunsod na rin ng kautusan ni Pangulong Arroyo na imbestigahan ang mga anomalya para sa tamang koleksiyon ng buwis.

Nabatid pa kay Suan­sing na minamanmanan din nila ang operasyon ng Customs Bonded Warehouses (CBWs) upang maiwasang magamit ito na sangay ng mga smuggled goods. Napag-alaman na umaabot sa 24 CBW na ang naipasara ni Suansing  sa loob lamang ng anim na buwan bunga na rin ng paglabag sa CMO 39-91 at kahilingan ng mga may-ari dahil na rin sa  kawalan ng mga foreign buyer. (Doris Franche)

Show comments